Biyernes, Nobyembre 18, 2016

"Ningas Kugon" (hindi pa tapos)

Magandang araw po sa inyo, sa aking mga bagong tagapagsubaybay! tuloy po kayo't tayo'y magkwekwentuhan!                                  

Siguro naman po napakahalata. Hindi ako yung mukhang tipong kahihiligan gawin to, kung tignan mo nga pa lang sa aking larawan. Hindi din ako eksperto, malamang marami sa aking mga sasabihin ay baka kalokohan lang sainyo at mahirap paniwalaan. Wala akong kredibilidad.

Dahil ito'y makasarili. Kung sa tingin niyo'y hindi kayo makatatanggap ng mga paliwanag ng isang munting estudyanteng Lasalliano, Okay lang. 

Pero may mga nais lang naman ako sabihin na sanay pakikingan niyo. Tungkol lang naman ito sa atin; tayong mga Filipino

Tungkol lang naman ito sa mga bagay na nakikita ko'y totoo hinggil sa isang Filipino. Mga bagay na mabuti't masama.

Bagama't baguhan, neexcite ako gawin to, kasi ako nga yung TIPONG kahihiligan gawin to. Mahilig ako sa panitikan, parang si Jose Rizal. 

Interest ko ang magbasa't makalaman ng kung ano-anong impormasyon at pilosopiyang marahil ay makabuluhan sa ating mga buhay in the long-run. At ang aking mga budhi at nais, madali kong naipapahayag sa pagsusulat ng kwento o salaysayin.

Pero ang pananalita? kahinaan ko. :(

Masyado ng maraming palaisipan ang nakatambak sa aking utak. Kailangan ko lang namang ibulyaw to, sa tanging paraan na pagsusulat. Mabuti lang naman to sa kalusugan, diba?

DISCLAIMER LAMANG: Medyo rusty ang aking pananagalog, hindi kasi ako sa Pilipinas lumaki at ipinanganak. Sa english po kasi ako komportable. Baka kung mapansin niyo man, may mga salita akong baka hindi ko naigamit sa wasto at baka ikalito ninyo. Gagawin kong suriin ang mga ito ng mabuti o kaya'y baguhin.

Anyways,

Ayon sa Wikipedia:
"Ang ningas kugon ay idioma na nangangahulugan ng mga gawain na sa una lang masigasig, maganda o magaling. Ngunit kaulanan ay hindi na naitutuloy ang nasimulan."

Noon ay may isang batang mangmang na dose ang anyos. Maswerte siya't lahat ng gusto niya ay pwedeng ilikha, middle-class kasi ang mga magulang niya. Sa kanyang edad, malawak ang pagkakataon para makapagtuto at humusay ng mga talento. Marami na siyang mga natutunan gawin:

Ipinagaral siyang lumangoy. Binilhan din siya ng piano at ng gitarang elektrik, upang kanyang ito'y matutunan. Inenroll siya sa taekwondo, karate, at judo classes. Naging player din siya ng kanyang junior highschool basketball team. Lahat ng ito ay dahil sa kanyang tatay.

Pero bandang huli, umayaw ang bata sa mga ganitong klaseng gawain. Gusto niya lamang magcomputer, ito ang tanging niyang gusto. Naiinis sa kanya ang tatay, pero napaisip ang bata: "Bakit ko nga ba kailangang matutunan ang mga yan kung pinagsasapilitan lang naman pala ito ni tatay?" 

Ang batang ito ay ako. Ningas Kugan na bata.

Noon ay akala ko'y pagtatampo lang, pero Ningas Kugon na pala. Mahirap ito mapansin sa sarili, pero malaki ang epekto nito sa buhay. Pero MAPAPANSIN lamang ito sa isang Filipino.

Tintangal nito ang sigasig ng libangan o kahit na anumang bagay, for some reason or the other.

Sa murang edad, natutunan kong umayaw sa mga bagay na 'iba'. Dahil nainis na rin ang tatay sa akin, hindi na niya ako biniyayaan ng mga oportunidad. Hindi ko nakita ang kanyang mabuting mithiin, kundi sinisi ko pa siya.

Sa murang edad, hindi ko binuksan ang aking mga potensyal. Kundi minaliit ko ang sarili sa mga aking mga kakayahan. Sayang.

Sa isang tao kailangan ang paghuhusay, pagbabago, at pagkakatuto. Sa ganoong paraan lamang tayo aasenso. Ngunit marami sa ating ay nagpapakain sa kahinaan at piling hindi tinitignan ang maaring magandang bunga ng paghuhusay, pagbabago, at pagkakatuto.

Ito ba'y pagpapakumbaba natin sa sarili? hindi ko maintindihan.

Oo, masarap magpakumbaba sa sarili, komportable e. Walang hirap, edi wala ding husay. Masyado kasi nating mahal ang sarili kaya humukay tayo ng sarili nating lungga sa desyerto ng buhay at pinili nating manatili at mabulok duon.

Sinasabi na kagad kasi natin sa ating mga sarili, na hindi natin kaya ang isang bagay kahit hindi pa nga natin ito natitikman. Edi kasama natin sa lunggang iyon ang ating nagbabasurang budhi.

"Taste the cup; If it is hot, keep sipping. If it is cold, gulp it. If it is warm, spit it." Pilosopiya ng aking tatay.

Sa murang edad, natangal ang aking tiwala sa sarili.

Sa video nga ni Casey Neistat: (https://www.youtube.com/watch?v=L9VBpbnXhWk)

Ayon daw, ang buhay ay katulad ng paglalakad sa umaabanteng escalator ng pabaliktad. Kung tayo'y mananatiling maglakad, sa iisang lugar lamang ang ating bagsakan. Kung tayo'y hihinto, babalik tayo sa pinangalingan. Pero kung tayo'y tatakbo, aasenso.

Magtuto tayo ng iba't-ibang bagay. Simulan natin ngayon. Pag tayo'y natututo, lumalakas tayo. Pag tayo'y natututo nagbabago tayo. Umaabante tayo sa buhay.

Ang buhay ngayon ay mabilisan, sabi nga. Ang buhay ngayon ay mapagisa, hindi na katulad ng dati. Kailangan nating kumilos para sa ating mga sarili; maging matalino, lohikal, at intuitive sa kahit anumang bagay. Kasi, ganun lamang naman mabuhay. Sa buhay ngayon, mas kinakailangan ang paggamit ng isip.

Sa makabagong lipunan ngayo'y, sa tingin ko, ay nagkukulang sa mga taong gumagamit ng kanyang isip.

Kaya mahilig ako magsulat, kasi nagiisip ako. Habang nagsusulat ay pinapakinggan ko ang rapper na si G-Eazy, at ang kanta niyang "Random". paborito ko ang mga liriko ng kanyang second verse:

[Verse 2]
Now imagine it, put the hours in and stayed passionate
Wasn't blowin' money, I was stackin' it
Figured what the fuck I want to do in life and practiced it
Pay attention, none of this is happenin' by accident

Listen, I don't slack a bit
Game plan's solid, no cracks in it
Said I want a billion now, nothing less is adequate

Grab a check, cashin' it
I was born addicted to the money
Difference now I finally found a way to manage it


Isang masamang ehemplo, ay ang artistang si Baron Geisler. Nagadik, kaya't paulitulit na ito'y nadadala sa rehab. Hindi ba nito nakita ang kanyang kakayahang maging mahusay na artista?


Sa kasulatan ni Haruki Murakami; "Pinball, 1973":

I put out a mousetrap once, under the sink in my apartment. For bait I used peppermint gum. I tried to locate something better, but that was the closest thing to food I came across. The gum was in one of the pockets of my winter coat, along with a movie ticket stub.

On the third morning, I found a small mouse caught by its leg in the trap. It was still young, the color of the cashmere sweater spiled in London's duty-free shops. Probably fifteen or sixteen in human years. A tender age. Beneath its feet lay a shred of gum.

The mouse has been snared, but I was clueless about what to do with it. By the morning of the fourth day it was dead, its hind leg still pinned. As I looked at its body, I realized one of Life's important lessons. 

All things should have both an entrance and an exit. That's just the way it is.

Ang tao ay nagbabago. Ito ay dapat. Kung hindi ito nagbabago, abnormal ito. Kung ang tao ay hindi magbabago, nakalulong lamang ito sa kanyang self-indulgence. Mahirap mabuhay sa ganon.

Pag ang isang tao ay nagbabago,

 "He sees the world not the same, but in a new pair of eyes; in another vision, in another light." 
Ang akin namang munting pilosopiya.

Importante sa atin ang magbago. Dahil nilikha tayo'y ng Diyos maging ganito, sa tingin ko.

Noon, ay hindi ako madasalin, ngayon, napaka ispiritwal ko ng bata. Noon, hindi ko kahiligan ang magbasketbol, ngayon, mahal ko na ito. Medyo mahusay na rin ako nang matutunan ko ito, at dahil dito'y nakakakilala ako ng iba't ibang klaseng tao: Mayaman, Mahirap at Midyum.

Noong nagbago ako, nagbago ang pagtingin ko sa Mundo.


PAGHUHUSAY, PAGBABAGO, at PAGKAKATUTO. Ito ang kalaban ng Ningas-Kugon.


Buksan natin ang ating mga mata. Magtuto ng bago upang makita ang kabutihan at kasiyahan nito. Maghusay ng mga talento, dahil ito ang kung anong meron tayo.


Ma'am Jenny Linares, mahusap po ba ang aking gawa?














Walang komento:

Mag-post ng isang Komento